Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante nag-shoplift ng mayonnaise sa supermarket

0 55

KALABOSO ang 19-anyos na estudyante matapos magpuslit ng higit 2 dosenang Lady’s Choice mayonnaise sa isang supermarket sa Baguio City kamakalawa.

Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), ang suspek ay isang 3rd year high school, tubong Caloocan City, residente ng Bakakeng Sur, Baguio City.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng BCPO, ayon sa mga security guard ng supermarket, nakita nila ang suspek palabas sa may exit area na may dala-dalang malaking itim na bag.

Sinabi ng pulisya na isa sa mga guwardiya ang lumapit dito at sinilip ang bag, dito na nabuking ang ninenok na 26 pirasong mayonnaise na nagkakahalagang P4,764 nang wala itong maipakitang resibo.(Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.