Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante naghahanap ng signal, dedo sa live wire

0 120

Nang dahil sa pagha­hanap ng signal ng cell­phone, nakuryente at namatay ang isang 19 ta­ong gulang na estudyante sa Calbayog City, Samar, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng mga awto­ridad ang namatay na si John Rey Dultra, residente ng Barangay Rizal 1.

Ayon sa imbesti­gasyon, problemado ang binata sa paghahanap ng signal sa telepono kaya’t patuloy ang pag-iikot niya.

Hindi na napansin ni Dultra ang live wire na kanyang nadikitan kaya nakuryente siya na naging mitsa ng kanyang agarang pagkamatay.

Wala namang nakiki­tang anumang insidente ng foul play ang mga pulis sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.