Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante nakilamay ‘hinila’ sa hukay

0 92

Nasawi ang isang mo­torcycle rider matapos suwagin at tumilapon sa bubong ng isang funeral car sa Amulung, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ni Amu­lung Police Station (APS) ang biktima na si Selwyn Angel, 16-anyos, estudyante, ng Brgy. Remus, Baggao ng nasa­bing lalawigan.

Sa report, ayon kay APS chief-of-police Liwelyn Guz­man, nag-overtake umano si Angel sa kahabaan ng Brgy. Nangalasauan sa na­sabing bayan at dito sumal­pok sa kasalubong na karo.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang biktima sa bubong ng karo at tumama ang ulo niya sa bakal na parte ng sasakyan.

Agad na isinugod ang estudyante sa ospital ngunit siya ay dead-on-arrival, ayon saNmga medical expert.

Saad ni Guzman, galing sa lamay at pauwi na sana ang biktima sa bayan ng Baggao nang mang­yari ang aksidente habang naghatid naman ng pa­tay ang karo sa bayan ng Amulung. (Allan Bergo­nia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.