Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante niligtas aso, kinaladkad ng PNR

0 350

Pumailalim hanggang sa makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang estudyante nang habulin niya ang kanyang alagang aso na patawid sa riles.

Nakilala ang biktimang si Joy Rachelle Equinan. Ayon sa ate nitong si Jenny Rose nangyari ang insidente noong Disyembre 26 ng umaga. Nagtamo ng malubhang pinsala si Joy kaya naman humingi ng pinansyal na tulong ang pamilya nito sa social media.

Ayon pa sa mga kaklase ni Joy, sa repost ng PUP Memes, kasalukuyang nasa Jose Reyes Hospital ang biktima.

Kahapon, binalita ni Jenny na naging mabuti ang operasyon ng kanyang kapatid, “Bali nilagyan po ng bakal yung balakang niya dahil nag-crack po yung buto niya duon. Tapos tinusukan din ng bakal yung sa isang tuhod niya dahil hindi na nagpantay yung bone niya sa legs,” wika ng nakatatandang Equinan sa Facebook.

“As of now, she’s in the ICU and still under observation. Pero thank God! The Lord is still good hindi pa din niya pinapabayaan ang family ko most especially my sister,” punto pa niya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.