Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante niratrat ng tandem

0 284

Todas ang isang 19-anyos na estudyante na balak lang magpa-photocopy ng kanyang learning module sa Cabagan, Isabela noong Sabado.

Kinilala ng Cabagan Police Station (CPS) ang biktima na si An­thony Kamagay, residente ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng CPS, bago ang insidente ay papunta umano ang biktima lulan ng kanyang bisikleta upang magpa-photocopy ng kanyang module.

Ayon sa CPS, lingid sa kaalaman ng estudyante, sinundan siya ng isang motorsiklo kung saan nakasakay ang dalawang suspek.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng mga nakasaksi sa insidente, ang backrider ang bumunot ng baril at pinagbabaril umano si Kamagay.

Agad tumakas ang mga suspek sa hindi pa malamang direksiyon pagkatapos barilin ang biktima.

Ayon sa pulisya, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagbabanta upang patayin ang estudyante. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.