Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante niratrat sa haybol

0 116

Nasawi ang isang 20-anyos na estudyante sa pamamaril sa Calamba City, Laguna nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20 anyos, residente ng Brgy. Lecheria.

Ayon sa report ng Calamba City police, bandang alas-4:30 kamakalawa ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi nakilalang suspek na armado ng maiksing kalibre ng baril.

Bigla na lamang umano nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan naman sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Napag-alamang isinugod pa sa Pamana Hospital sa Calamba City si Victoriano subalit binawian na siya ng buhay bago pa man makarating sa pagamutan.

Palaisipan pa rin sa pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkaka­kilanlan ng suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.