Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante problemado sa module nagbigti

0 129

Nasawi ang isang menor de edad na estudyanteng lalaki sa Brgy. Calimpak, Guinayangan, Quezon makaraang magbigti matapos mamroblema umano sa kanyang pag-aaral.

Lunes ng umaga nang madiskubre ng nanay niya ang katawan ng biktima na nakabigti sa bahay ng kanyang lola gamit ang isang kumot.

Sinubukan pa siyang iligtas ng mga sumaklolo at agad pinutol ang kumot subalit natuklasan na matigas na ang katawan niya at wala nang buhay.

Ayon sa nanay, bago ang suicide ay naaburido at namomroblema umano ang bata matapos na mahirapan sa pagsasagot ng mga learning module nito.

SM food to go Banner Ad

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam pa ang ibang sirkumstansiya na nagtulak sa bata para magpakamatay.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may tanong tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib mag-suicide.

Maaaring tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727 o 0908-639-2672) o telepono (1553). (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.