Abante Tonite Interactive

Estudyante sa CDO wagi sa 2019 Miss Teen PH

0 307

Pinalad ang isang estudyante sa Cagayan de Oro na masungkit ang korona ng Miss Teen P­hilippines 2019 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Si Nikki de Moura ay isang mag-aaral sa C­agayan de Oro na nangi-babaw sa 30 iba pang mga kandidata sa patimpalak ng pinakamagandang tin-edyer sa bansa.
Nakuha naman ni P­atricia Lynn Bermuda ng Iloilo ang first runner-up, sinundan ni Nicole Borromeo ng Cebu, Mikki Barcela ng Bicol, at Joanna Kalkschmidt ng Western Visayas.

Ang Miss Teen P­hilippines ay itinuturing na isang platform para sa mga batang naghahangad na maging mga beauty queen.

Mapapanood ito sa gagawing delayed telecast sa ABS-CBN channel 2 sa Mayo 19.

Si De Moura ang magiging kinatawan ng youth ambassador na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataang babae.

Muling naibalik ang Miss Teen Philippines 2019 matapos ang halos limang taong pamamahinga. Ang patimpalak ay pinalawak dahil hindi lamang ito pagandahan kundi talino at may potensyal na maging modelo sa mga kabataan.(Mina Aquino)