Abante Tonite Interactive

Estudyante sa pagpupulis timbog sa droga

By
2,523

Arestado ang isang Criminology student sa isinagawang illegal drug bust operation sa bayan ng Bangued, Abra noong Lunes, Abril 7.

Nakilala ang suspek na si Paul Dacalan, 22-anyos, ng nasabing bayan.

Si Dacalan ay inaresto habang nasa aktong iaabot ang iligal na droga sa isang police undercover agent.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon sa report ng Bangued Police Station (BPS), dati nang sumuko si Dacalan sa ‘Oplan Tokhang’ dahil sa pagbebenta ng shabu ngunit bumalik siya sa iligal na gawain.

Dinala ang suspek sa BPS detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.