Abante Tonite Interactive

Estudyante sinapak saka inagawan ng cellphone

257

Arestado ang isang 37-anyos na snatcher matapos manapak at mang-agaw ng cellphone ng isang estudyante habang nakasakay ng jeep sa Barangay West Crame, San Juan City, kamakalawa.

Nakakulong ngayon sa San Juan detention cell ang suspek na si Moncarlo Eduarte y Ladion, taga-San Juan City at nahaharap sa kasong robbery snatching.

Sa report ng San Juan Police, naganap ang insidente bandang alas-3:15, Huwebes nang hapon, sa harap ng Avida Towers New Manila sa Boni Serrano St. corner 3rd St., Barangay West Crame.

Ayon sa complainant na si Shayne Ilustre y Ramilo, 18-anyos, sakay siya sa jeep nang bigla siyang sinuntok ng suspek sa mukha sabay agaw sa kanyang cellphone sabay baba ng jeep.

Sinubukang habulin ng biktima ang magnanakaw na tumakbo sa looban ng 3rd St. Barangay West Crame at sa takot ay ini-report na lang sa barangay ang pangyayari na agad ini-report sa pulis.

Nahuli ang suspek sa nabanggit na lugar at narekober ang isang Huawei Nova 2 Lite cellphone ng biktima na nagkakahalagang P10,000. (Vick Aquino)