Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante sinita sa face mask, nahulihan ng 1K marijuana

0 170

Nabuking ang isang college student na may dalang mahigit isang kilong dahon ng marijuana matapos sitahin ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Bagong Barrio, Caloocan City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Timothy John Marquez, 23, 3rd college student, nakatira sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Col. Samuel Mina Jr., hepe ng Caloocan City Police, bandang alas-tres nang madaling-araw nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 6 sa Sampaguita Street, Barangay 156, Bagong Barrio. Napadaan si Marquez pero sinita ito ng mga pulis dahil walang suot na face mask.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang papalapit sa kanya ang mga pulis ay kumaripas umano ng takbo ang suspek kaya hinabol ito ng mga awtoridad hanggang sa abutan.

Doon na siniyasat ang dalang plastic bag ni Marquez at natuklasan ang dala nitong dahon ng marijuana.

Nabatid na nasa isang kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P120,000 ang marijuana. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.