Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante tigok kay doc sa rambulan

0 186

Patay ang isang 21-anyos na lalaking estudyante matapos itong mabaril ng isang doktor na nakatalaga bilang non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) sa naganap na umano’y rambulan sa isang bar sa Davao City nitong Sabado nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Amir Pulanon Mangacop, residente ng El Rio Subdivision sa Bacaca, Barangay 19-B sa nasabing lungsod.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek na nakilalang si Marvin Rey Andrew Pepino, 31, non-uniformed personnel na nakatalaga bilang isang doktor ng Police Regional Office sa Davao Region.

Sa inisyal na ulat ng Davao City Police, naganap ang rambulan dakong alas-12:50 nang madaling-araw sa isang bar na matatagpuan sa kanto ng V. Mapa at Camus Extension sa naturang siyudad.

Napag-alaman na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang grupo ng kalalakihan na pawang mga lasing na. Kabilang sa nagrambulang grupo ang suspek at biktima.

Humantong ang pagtatalo sa rambulan dahilan upang upang hugutin ng suspek ang kanyang baril na Glock 9mm at pinagbabaril ang biktima.

Nakuha pang isugod sa Davao Doctors Hospital ang biktima subalit idineklara na rin itong dead on arrival.

Sumuko naman ang suspek sa rumispondeng kapulisan at ibinigay ang baril na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek na nakakulong ngayon sa Davao City Police detention cell. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.