Abante Tonite Interactive

Estudyante tinuklaw ng cobra

0 206

Patuloy na inoobserbahan ang isang estudyanteng babae ng Pulong-Buhangin National High School matapos matuklaw ng cobra habang ito ay natutulog sa loob ng kanilang bahay noong Sabado nang gabi.

Sa pinakahuling report, comatose pa rin sa San Lazaro Hospital ang biktimang si Sheryl Gwen Legaspi, 16-anyos, estud­yante ng nasabing eskuwelahan at taga-Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria.

Nabatid na sa pagitan ng alas-7:00 at alas-9:00 nang gabi, noong linggo nang matuklaw ng ulupong ang biktima habang natutulog.

Mabilis naman itong naisugod sa nasabing pagamutan at agad binigyan ng CPR ng mga manggagamot ngunit na-comatose ito matapos kumalat sa katawan ang kamandag ng ahas.

Patuloy namang umaasa ang pamilya ng biktima na makakarekober ang biktima kung saan sinasabing napatay ang tumuklaw na ahas. (Jun Borlongan)