Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyante, titser dadami sa ALS Law

0 75

Inaasahang dadami pa ang mga mag-enrol at magtuturo sa Alternative Learning System (ALS) ng gobyerno matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala para maging ganap na batas ito.

Sa panayam sa “Balitaan at Kumustahan” ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na nangangahulungang tataas na ang suweldo ng mga guro sa ALS.

“Existing program na ito Jon. Nandiyan na ang ALS pero hindi institutionalized. Ito ay para sa opportunities sa out-of-school na children and adult na gusto pa matuto ng skills,” sabi ni Fortun.

Kadalasan sa weekend ito ginagawa.

SM food to go Banner Ad

Pero ayon kay Fortun, mainam kung magagawa ito ng M-W-F, para maagang makatapos ang naka-enrol dito.

“Para sana mas mabilis makatapos,” ani Fortun.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11510 o Alternative Learning System Act, ang Department of Education (DepEd), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Civil Service Commission (CSC), ay gagawa ng teaching position at maglalaan ng salary grade para mapalakas ang ALS Teachers Program.

Magkakaroon din ng karapatan ang mga ALS teacher para sa promosyon base sa qualification standard ng CSC.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.