Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Estudyanteng transgender ginilitan

0 117

Laslas ang leeg at tadtad ng saksak ang isang estudyanteng transgender nang matagpuan sa Tawi-Tawi.

Sa report, sinabi ng pulis na posibleng hate crime ang dahilan ng insidente dahil sa pagiging miyembro ng LGBTQIA ng biktima.

Kinilala ang biktima na si Khay Abdulgajir, na natagpuang bangkay noong May 17.

Humihingi naman ng agarang hustiya ang ina nitong si Ruaida Nain Muallip.

Sinabi ng Bongao Police Station, na umalis si Abdulgajir kasama ang mga kaibigan noong Lunes para sa trabaho bilang event organizer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero kinabukasan ng gabi ay nakitang bangkay na ito at wala na rin ang kanyang cellphone.

Sinabi naman ni Police Captain Kuhutan Imlani Jr., Officer-in-charge, ng Bongao Police Station, na posibleng selos din ang dahilan ng pagpatay at ang isa naman ay hinihinalang may kinalaman sa kanyang

hanapbuhay.

Kinondena naman ito ng grupo ng mga LGBTIQ.

“May chilling effect po kasi ang ganitong krimen pong ito ay nangyari sa kasagsagan ng selebrasyon towards fight discrimination, towards trans, bisexual and LGBTIQ community,” sinabi ni Salm Kairo Dumanlag, Executive Director ng Mindanao Pride.

Hindi naman sila naniniwala na “hate crime” ang motibo sa krimen. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.