Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ET, Nagpakita kay Prof. Jimmy Licauco

0 557

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo maging ang paranormal expert na si Prof. Jimmy Licauco ay kinausap din ng Ekstra-Terestriyal nang minsan dumalaw siya sa Ciudad Verdadero sa Quezon.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta May Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Inamin ni Prof. Jimmy nang minsan bumisita sila sa Ciudad Verdadero ay mismong siya ay pinagpakitaan ng ET sa lugar. Hindi lang basta nagpakita sa kanya kundi nakipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng telepathy.

Sa kanyang salaysay, nasa grupo siya ng mga psychic nang bumisita sila sa Ciudad Verdadero at tulad ng nakagawian ay nag-ikot sila sa paligid ng 30-ektaryang lupain na pagmamay-ari ng tinaguariang caretaker ng Ciudad si Ka Art Cataquiz.

Binisita nila ang chapel sa lugar, meditation tower, lagoon, labyrinth, bukal, UFO landing area at ang dalawang malalaking buhay na bato o boulder.

SM food to go Banner Ad

Isa-isang idinampi ng mga psychic ang kanilang palad sa bato. Halos magkakapareho ang kanilang naramdaman – malakas na enerhiya mula sa malaking bato.

Nang si Prof. Jimmy na ang lumapit sa bato at idinampi ang kanyang palad, naramdaman niya ang malakas na enerhiya hanggang sa tila hinigop siya sa loob ng malaking bato. Pakiramdam niya ay astral body niya ang pumasok sa loob ng boulder at hindi lang ang kanyang isipan tulad ng karaniwang nararanasan sa remote viewing.

At nakita niya ang isang babaeng ET o alien being na tila kumakaway o kaya ay nakalutang sa kawalan na kumakampay ang mga kamay. May apat na maliliit na ET na may pakpak sa kanyang paligid. Ang babaeng alien ay may dalawang malalaking mata na hugis-almond, may maliit na ilong at bibig. Ang balat ng ET ay kulay abo o grey at kitang-kita niya matangkad ang nilalang.

Nang biglang makarinig siya ng boses pero hindi bumubuka ang bibig ng ET na nagsabing ‘welcome’ siya sa Ciudad ay nagpasalamat sa pagbisita nila pero sinabihan siyang hindi siya maaaring makapasok pa sa ka loob pero nang sumunod niya pagbisita sa Ciudad ay nakarating siya sa ilalim.

Nakaramdam ng kaba si Prof Jimmy dahil sa dilim kaya’t minabuti niyang gumapang paakyat ng tunnel hanggang sa makabalik na siya sa kamalayan niya na nakatayo sa harap ng buhay na bato.

Patunay Ito na andito na sa paligid natin ang mga ET pero hindi sila nagpapakita sa lahat dahil Ayaw nilang makialam sa nangyayari sa kapalaran ng tao at ranging ilan lang nakakausap nila para maghayag ng mensahe.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.