Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Etheridge lilipat sa Birmingham

0 51

PILIT na bibitbitin ni Neil Etheridge ang katulad na mahika na itinulong nito sa Cardiff sa nakatakdang paglipat nito sa Birmingham.

Ito ay dahil sa ang Azkals goalkeeper ay nakatakdang lumipat sa Birmingham Football Club matapos ang tatlong taon na paglalaro sa Cardiff City.

Inihayag mismo ng 30-anyos na si Etheridge sa kanyang social media ang kaganapan Biyernes, Setyembre 11 matapos ihayag ng UK media ang paglipat nito ng koponan.

“Firstly I’d just like to take the time to say a massive thank you to Cardiff City FC for everything they’ve done for me,” sabi ni Etheridge.

“The past 3 years we’ve had such an amazing time together, being promoted in my first season to the Premier League, and even though we were relegated we gave it a right go in the best league in the world!”

Si Etheridge na lang ang natitirang aktibo sa mga miyembro ng 2010 Azkals “Miracle in Hanoi” squad kung saan ang Pilipinas ay nakapasok sa una nitong semifinals appearance sa AFF Suzuki Cup. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.