Eugene ‘ikinasal’ na

Lumikha ng ingay ang post ni Eugene Domingo sa kanyang Instagram account ng copper couple rings few days ago. Sa caption niya ay tila ipino-promote lang niya ang singsing pero ang dami pa ring nag-speculate na mukhang engaged na or ikakasal ang actress/comedian.
Sa comment section nga ay napakaraming nag-congratulate sa kanya at sa boyfriend na si Danilo. “Best wishes,” komento pa ng iba.

Hindi sumagot or nag-comment si Uge sa mga pagbati kaya marami ang na-curious kung ano kaya ang ibig sabihin ng 2 copper rings na ipinost niya.
Matagal nang magkarelasyon si Uge at ang film critic boyfriend kaya naghihinala ang iba na baka nga ikinasal na ang dalawa. (Vinia Vivar)