Abante Tonite Interactive

Eugene, kinakausap ang 6-pack ni Jak

103

SNAPCHAT QUEEN ang taguri namin kay Eugene Domingo dahil isa siya sa pinakamasipag mag-Snap everyday sa mga taga-showbiz.

As in naka-post ang pics and vids ng step by step workout na ginagawa ni Uge sa gym, na bawat session ay ang hahaba ng post niya (kahit pa tig-10 seconds lang ang limit per snap, mapa-photo or video).

Kapag nasa taping ng Dear Uge ay ang sipag ding mag-Snapchat ng komedyana, na pati mga crew sa set, mga ta­lent at kung sinu-sino pa ay kinukunan niya ng video.

Madalas niyang pagtripan ang abs ni Jak Roberto na kasama niya sa Dear Uge.

Minsan ay kinakausap pa niya ang 6-pack nito, tapos ay tinutukso niya ang sidekick niyang si Divine Aucina sa nagmumura ang abs na si Jak.

Nang mag-birthday si Uge ay ang dami niyang Snaps.

Lahat ng ganap, mula sa pa-cake at pahanda sa kanya sa taping hanggang sa mga pa-dinner sa kanya ng mga kaibigan niya, pati panonood niya ng sine at kung anu-ano pa ay nasa Snapchat niya.

Feeling Millennial ang Uge na sobrang naaaliw lalo na sa mga pa-filter ng Snapchat.

Ang nonsense nu’ng mga filter, pero nakakatuwang gamitin at paglaruan.

Kinabog ni Uge ang mga younger stars dahil mas active pa siya sa nakakabagets na Snapchat kesa sa mga ito.