Abante Tonite Interactive

Eugenio Torre Cup: Mariano III markado

215

Markado sina FIDE Master Nelson “Elo” Mariano III, Antonella Berthe Racasa at Mapua University Junior player Kenzo Suarez paglarga ng 1st Eugenio ‘Eugene’ Torre Cup Chess Championships sa MU Gym sa Intramuros, Manila sa darating na May 18.

Sasalang si Mariano sa Open, habang tutulak ng piyesa sina Racasa at Suarez sa Elementary at High School Division ayon sa pagkakasunod.

Kabuuang P150,000 ang nakataya sa event kung saan maibubulsa ng kampeon sa open ang P30,000 at tig P5,000 sa Elementary at Secondary. May hahamigin din ang top Senior 55+ at 65+ categories.

Maagang nagpatala sina Engr. Nelson Salazar na Mapua alumni, Elmer Fumar at Rene Miraflores ng DPWH, Ziegfrid Borja ng BPI, Tenshi Biete ng Las Pinas, Justine D. Mordido ng Dasmariñas, at NM Noel dela Cruz Makati para sa Open division.

Sa elementary ay sina Julia Alicante ng Las Pinas, Cyrus James Damiray ng Tanza, Al-Basher Buto ng Cainta, Jacob Villaceran ng Binangonan, Clark Jemuel Cabatian ng Gen. Trias, Liam Matthew Diolazo ng Nueva Ecija, at James Bragais ng Camarines Sur. (Elech Dawa)