Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir ibubunyag ang plano pa-Tokyo, pro

0 272

Isisiwalat ni Olympic-bound at newly-turned pro Eumir Felix Marcial kasama ang Manny Pacquiao (MP) Promotions top executive ang mga balak sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong araw.

Magkukuwento ang 24-year-old pride ng Zamboanga, na silver medalist sa 2019 AIBA World Championships, sa patuloy na preparasyon niya sa 2021 Tokyo Games at sa bagong landas na tinatahak bilang professional boxer pagkapirma sa nakaraang linggo sa MP Promotions ni boxing legend at Sen. Emmanuel Pacquiao.

Nasa alas-10:00 nang umagang talakayin din na mga hatid ng Smart, San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), si MP Promotions president Sean Gibbons.

Ineere ang Forum ng live via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 facebook page. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.