Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir inupakan gintong medalya

0 66

SINUNGKIT ni 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial ang kanyang ikaapat na sunod na Southeast Asian Games gold sa pamamagitan ng kumbinsidong first round victory laban kay Delio Anzaqeci Mouzinho ng Timor Leste sa 31st edisyon sa Bac Ninh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Tulad ng ginawa niya sa semifinal bout laban kay Peerapat Yeasungnoen ng Thailand na tinapos sa pamamagitan ng TKO sa second round, tila hindi pinayagan ng referee na matulad ito sa Timorese boxer na agad na ipinahinto sa first round pa lamang upang ideklarang panalo ang 26-anyos na tubong Lunzuran, Zamboanga City.

Mabilis na binilangan ng standing 8-count ng referee mula Kazakhstan nang unang beses si Mouzinho matapos patamaan ng kumbinasyong right straight, left hook at right hook, ngunit ipinagpatuloy ang kanilang laban.

Hindi nagtagal ay muling nagpakawala ng malulutong na kombinasyon ang 2019 Yekaterinburg World Championship silver medalist at 2018 Jakarta-Palembang bronze medalist ng kambal na right straight at left hook sa mukha para muling bilangan ng standing 8-count ang Timorese boxer hanggang sa tuluyan itong tapusin at ibigay ang panalo kay Marcial at ang ika-51 gold sa ‘Pinas.

Nitong nagdaang Abril 9 ay nanaig sa kanyang ikalawang professional fight ang 2020 Asia-Oceania Boxing Qualifying gold medalist laban kay Isiah Hart via 4th round TKO. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.