Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir madadale ginto – Ancajas

0 127

OPTIMISTIKO si Filipino boxing champion Jerwin Ancajas na malaki ang tsansa ni Eumir Felix Marcial na makuha ang pinakaunang gintong medalya ng bansa sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

“Kung ako ang tatanungin, sa akin malaki ang tsansa ni Eumir na makakuha talaga,” sabi ni Jerwin.

“Nakikita ko si Eumir, gustong-gusto niyang makuha ‘yung gold. ‘Yung pagsisikap niya, nakikita ko.”

Kaya naman, tumutulong si Ancajas sa preparasyon ng kababayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gusto naming tulungan si Eumir sa kanyang pag-prepare sa Olympics,” sabi pa ni Ancajas sa virtual event na ginawa ng Games and Amusements Board (GAB).

“Pupunta po kami sa Zamboanga para tulungan siya,” sabi pa nito.

Nagkasama sina Ancajas at Marcial sa Los Angeles kung saan sabay itong nagsanay ng ilang buwan habang naghihintay ng kanilang mga laban.

Unang matagumpay na sinimulan ni Marcial ang kanyang professional debut noong Disyembre 2020 bago sumunod si Ancajas buwan ng Abril matapos ang isang taon na hindi nakalaan dahil sa COVID-19 pandemic at matagumpay na naipagtanggol ang korona sa ikasiyam nitong pagdedepensa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.