Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir may 2-3 pro fight pa-Olympics

0 244

Dalawa-tatlong laban sa tig-aapat-anim na round sa professional simula sa Oktubre ang plano ng MP Promotions (MPP) kay middleweight Eumir Felix Marcial bago pumalaot ito sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Ito ang isiniwalat mula sa Los Angeles ni MPP president Sean Gibbons na kasamang panauhin sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition kahapon ang Pinoy boxer.

“Hopefully we’ll do something in October and then we’ll work from there, hopefully about three fights before he stops and fully concentrate on the Olympics,” anang opisyal sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), at pinalakas ng Smart.

Pinahayag naman ng 24-anyos , tubong Zamboang

Leave A Reply

Your email address will not be published.