Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir, Nesthy ‘babatak’ sa UAE

0 130

Para mas maging kondisyon pa-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya sa parating na July 23-August 8, tuloy na rin ang sabak ng Philippine team sa Asian Boxing Confederation (ASBC) Asian Elite Men and Women Boxing Championships na nilipat ng bagong petsa’t lugar.

Nabatid Huwebes kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson na mula New Delhi, India sa May- 21-31, sa May 21-June 1 sa Dubai, United Arab Emirates na gagawin ang torneo bunsod pa rin ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mangunguna sa men’s squad sina Tokyo Olympics-bound pro Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam, habang sa women’s team ang pa-Summer Games ding sina Nesthy Petecio at Irish Magno.

Ang iba pang kakasa ay sina Marjon Pinar, James Palicte, Junmilardo Palicte, Ian Clark Bautista, Jere Samuel Cruz, Mario Fernandez, Mark Lester Durens, at sina Aira Villegas at Riza Pasuit. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.