Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir tanso sa Asian Elite

0 172

Isa-isang nakalasap ng kabiguan ang mga Pilipinong boksingero kabilang na ang Tokyo Olympics bound na si Eumir Felix Marcial sa mga nakakadudang desisyon Biyernes ng gabi sa ginanap na semifinals ng ASBC Elite Men’s and Women’s Boxing Championships sa Dubai, United Arab Emirates.

Magaan na nakalampas sa nakuhang bye at pag-atras ng kalaban sa quarterfinals si Marcial subalit pinakamasaklap ang kabiguan nito mula sa tatlong nakatuntong sa medal round subalit hindi nakapasok sa labanan sa ginto.

Ang 25-anyos na pro bound matapos ang Tokyo Olympics ay nalasap ang nakakabigla na 0-5 shutout kontra kay Jafarov Saidjamshid ng Uzbekistan sa semis ng 75 kgs division sa grand ballroom ng Le Meridiean Hotel.

Top seeded sa middleweight sa pre-Olympic tournament, nagkasya lamang si Marcial sa tanso pagkatapos ng tangi nitong pagsagupa sa torneo.

Agad nakatikim ang Pilipinas ng masamang pangitain sa semifinals matapos na agad mabigo sina Mark Lester Durens at Junmilardo Ogayre sa kanilang laban sa light-flyweight at bantamweight.

Nabigo si Durens kay Daniyal Sabit ng Kazakhstan sa tulad na 0-5 iskor habang si Ogayre ay napatalsik sa labanan ng top seed na si Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan sa tulad din na iskor.

Hindi din nakalusot ang dating world champion at ilang beses naging SEA Games gold medalist na si Josie Gabuco upang maiuwi ng koponan ang kabuuang apat na tanso. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.