Abante Tonite Interactive

European delegates nagtampisaw sa Boracay

By
0 856

Nilinaw kahapon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bahagi ng “exchange culture” ng Ati Community sa Boracay ang mga dayuhang nakitang naliligo sa Boracay kamakailan at hindi ito commercial swimming na siyang ipi­nagbabawal.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, pina­yagan ng Inter-Agency Task Force Security Council ang mga European delegates na maligo sa Boracay dahil bahagi ang mga ito ng humanitarian activity ng Ati Tribe kaya naman walang nalabag sa polisiya na nagbabawal sa mga turista na mag-swimming sa isla habang ipinatutupad ang closure nito.

“As far as DENR is concerned, wala po kaming pinapayagan na mag-swimming diyan. Ito po ay pinayagan ng Boracay Inter-Agency Task Force Security Council dahil sila po ay may humanitarian acti­vity with the Ati community. We don’t allow commercial swimming. And this is not commercial swimming, this is part daw of the humanitarian activity on the Ati community. Hindi naman po complete lockdown ang Boracay kaya po wala rin sa authority natin na pigilan silang pumasok,” paliwanag ni Antiporda.

Bagama’t may permiso ang council sa pag­ligo ng mga international delegates, sinabi ni Antiporda na magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang DENR ukol sa isyu.

“We are still conducting our investigation on this and yet, same thing like this will ne­ver happen again in the future, we only have four months to go,” dagdag pa nito.