Abante Tonite Interactive

Evan Nelle lumipat ng ibang pugad

312

Tapos ang pasabog ni Sean Dave Ildefonso sa pagbabalik-bakuran ng Ateneo Blue Eagles para sa UAAP Season 84, ‘di rin nagpahuli ang NCAA nang mag-ober da bakod din si San Beda star Evan Nelle patungong La Salle Green Archers.

Nilayasan ng 21-anyos na playmaker ang Mendiola-based squad at bumiyahe pa-Taft-based quintet na mamanduhan nang nagbabalik nilang coach na si Frederick ‘Derrick’ Pumaren.

Tumapos ng 10.2 points, 4.5 rebounds, 6.7 assists at 1.6 steal kada laro ang 5-foot-10 guard ng SBU sa NCAA Season 95 na nagdala sa kanya sa MVP race, na kalaunan ay nakuha rin ng kanyang teammate na si Calvin Oftana.
Kinumpirma na ni Pumaren ang bagong recruit ng DLSU.

“Yes,” ang matipid niyang tugon sa text message ng Abante TONITE.
Parang nangangapa naman sa dilim si Beda coach Boyet Fernandez sa kaganapan.

“For now, we still dont know whats Evan’s plan is. He missed the last few practices and have yet to hear from him,” reaksiyon niya sa text. (Aivan Denzel Episcope)