Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Evangelista, Laure sabak na sa politika

0 51

KAPWA hangad nina dating PBA veteran Rey Evangelista at Eddie Laure na makatulong sa bansa sa pangunahin nitong layunin na makadiskubre ng “homegrown talent” sa pagtakbong konsehal sa kani-kanilang lugar.

Si Evangelista, na tatlong beses itinanghal na PBA Sportsmanship Awardee, ay hangad maipagpatuloy ang mga naumpisahan na nitong programa sa kabataan sa sports sa Ormoc City habang si Laure, na naging MBA MVP, ay halos katulad din na programa ang naipalaganap na nito sa Katipunan, Zamboanga Del Norte.

Simula magretiro sa PBA noong 2008 ay nagsilbi na si Evangelsta sa mga kababayan nito sa Ormoc City bilang Sports Commission chairman habang nasa ilalim ng pamunuan ng dating atleta at Mayor na si Richard Gomez.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Maiangat din ang kabuhayan at kalidad ng bawat pamilya sa isa sa kinatatakutang lugar sa rehiyon ng Mindanao pati na mabigyan ng oportunidad sa edukasyon ang nais ng kasalukuyang Laguna Heroes coach sa MPBL na si Laure

“Sa akong sunod nga mission og Kalooy-an sa Ginoo Tagaan og Higayon makaserbisyo sa akong gihigugma og Pinalanggang Lungsod KATIPUNAN, ZAMBOANGA DEL NORTE. Dili nako pakyason ang inyong pagsalig nako.. Salamat sa akong Pamilya, Salamat sa Akong mga Pariente Amigo’ Amiga, Salamat sa katawhan diri sa atong Lunsod sa Katipunan,” sabi ni Laure.

Asam nina Laure at Evangelista, na madalas din dumadalo sa mga isinasagawang sports seminars at anti-doping lectures ng Philippine Sports Commission (PSC), na maipalaganap ang oportunidad na nakaharap sa mga kabataan sa katulad na nakamit na makasaysayang unang pagwawagi ng gintong medalya sa Olympics ni women weightlifter Hidilyn Diaz. (LIto Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.