Abante Tonite Interactive

Events place na swak sa bulsa at patok sa lasa

500

Events place ba `ikamo?
Sa mga naghahanap ngayon ng events place na affordable na at masarap pa ang food ay pasok sa listahan ang Holy Cow Sizzlers kung saan nag-open na rin sila ng branch sa Trinoma, QC, Garden restaurants area.

Sa kasalukuyan ay isa ito sa ikinukunsidera ng karamihan at napipiling lugar o pagdarausan ng iba’t ibang okasyon dahil bukod sa madaling puntahan at may mapaparkingan – syut at perfect din ang lokasyon para sa `ganap’ gaya ng birthdays, debut, binyag, wedding o anniversary, thanksgiving, graduation, meetings o kahit na simpleng walwalan.

Swak din ang lugar para sa intimate date sa pa­milya, minamahal, barkada at iba pa. Sa minimum nilang 30 persons ay libre na ang 3-oras na puwesto sa venue,­ sound system, decors & balloons plus malugod ka pang ia-accomodate at aasikasuhin ng kanilang mga staff.

May mga party package silang P199/head (kids), P350/head at iba pang pagpipiliang menu na sulit sa bulsa lalo sa mga big fan ng steaks dahil garantisadong premium at imported ang kanilang ihahaing freshly­ grilled, barbeque flavored, tender off the bone, Baby Back Ribs.

Bukod sa Trinoma ay mga branches din sila sa MOA at Sucat. Sa iba pang katanungan, tumawag lang sa 901-5688 o i-message sila sa kanilang FB page. (ME)