Abante Tonite Interactive

Ewing tinamaan ng coronavirus

0 273

SAPUL ng nakamamatay na coronavirus ang dating NBA superstar na si Patrick Ewing.

Sa isang post na inilabas ng New York Knicks legend, inamin nitong siya ay positibo sa pandemic COVID-19.

“I want to share that I have tested positive for COVID-19. This virus is serious and should not be taken lightly. I want to encourage everyone to stay safe and take care of yourselves and your loved ones,” aniya.

Sa ngayon, nasa isang ospital si Ewing malapit sa Georgetown University kung saan siya ang head coach ng men’s basketball team nito.

Naglaro si Ewing sa Knicks sa loob ng 15 season at naging coach sa kanyang alma mater na Georgetown University mula pa noong 2017.

“I want to thank the healthcare workers and everyone on the frontlines. I’ll be fine and we will all get through this,” dagdag nito. (Sarah Jireh Asido)

Tonite – Wendys Inhouse Ad