Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-49ers player kulong sa rape

0 269

Napatunayang nagkasala sa panggagahasa sa may kapansanan ang isang dating player ng National Football League (NFL) na si Dana Stabblefield ng San Francisco 49ers, na hinatulan ng 15 taong pagkakabilanggo na walang piyansa.

Binaba ang hatol nitong Lunes (kahapong oras sa Maynila) makalipas ang siyam na buwang trial ng Santa Clara County District Attorney’s Office sa California laban sa 49-anyos na former defensive lineman ng Niners at Oakland Riders, na pinagsamantalahan si Morgan Hill na kinapanayam niya bilang aplikanteng baby sitter sa kanyang bahay noong 2015.

“Stubblefield was found guilty of the rape of a person incapable of giving consent, and oral copulation of a person incapable of giving consent,” opisyal na pahayag ng korte.

Pagkabasa ng hatol, inatasan din agad ng hukuman na hindi maaring magpiyansa at giniit na idiretso na agad sa rehas si Stabblefield, na naglaro sa apat na team ng NFL noong 1993-2003. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.