Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-actor/model may pasabog sa Dacera case

0 380

Ni Nancy Carvajal

Isang 32-anyos na dating actor-model na sinasabing may nalalaman sa kontrobersyal na kaso ng nasawing flight attendant na si Christine Angelica Dacera ang nasa pangangalaga ngayon ng National Bureau of Investigation, ayon sa isang source.

“His name did not come up in the police report. He volunteered to come forward because he feared for his safety,’’ saad sa Politiko_Ph nang di nagpatukoy na source.

Ayon pa sa source, ang nasabing former actor na umano’y `nasa loob ng kuwarto’ ay may pinanghahawakang mga impormasyon hinggil sa naging kaganapan sa pagkamatay ng 23-anyos na dalaga. Malaking puntos ito para luminaw pa ang takbo ng imbestigasyon, maging sa kung sino ang tumayong party organizer, kung may tinirang iligal na droga at kung sino ang naging supplier nito.

Sinundo ang bagong susi sa krimen ni Deputy Director Ferdinand Lavin, sa Tacloban City kahapon. Si Lavin na bukod sa NBI spokesman ay siya ring head ng bureau’s Forensic Division na nag-iimbestiga sa Dacera case.

Sa kanyang social media account, ang dating actor ay lumilitaw na freelance artist/commercial model at naging talent din ng GMA at ABS- CBN.

Nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang NBI kasunod na rin ng kuwestiyunableng paghawak sa kaso ng PNP partikular ng Makati City police.

Si Dacera ay natagpuang walang malay sa bath tub sa inupahan nitong room sa City Garden Grand Hotel noong Enero 1 matapos magsagawa ng New Years party ang dalaga at kanyang mga kaibigan. Isinugod ito sa Makati Medical Center kung saan idineklara siyang dead on arrival.

Leave A Reply

Your email address will not be published.