Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-adviser ni Digong `kakanta’ sa Senado

0 207

Kumpirmado nang dadalo sa ikalimang pagdinig ng Senado sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 pandemic ang dating presidential economic adviser na si Michael Yang.

Mismong ang abogado ni Yang ay nagpadala ng liham sa tanggapan ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at sa Blue Ribbon Committee na nagsasabing dadalo sa pagdinig si Yang.

Dating economic adviser si Yang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is to confirm the attendance of our client, Mr. Michael Yang, in all hearings of the Senate Blue Ribbon Committee… from September 10, 2021, until the same is terminated,” ayon kay Atty. Raymond Parsifal Fortun.

Humiling din si Fortun ng interpreter para kay Yang dahil nahihirapan itong magsalita ng English at Filipino at mas gusto umanong magsalita gamit ang wikang Mandarin.

“With your Honors’ kind indulgence, in order to aid in communication, may we ask that an interpreter be made available in all hearings who can translate the Senators’ questions to Mandarin and later translate Mr. Yang’s responses thereto to English,” sabi ni Fortun.

Hirit pa ng kampo ni Yang na magkaroon ito ng sariling interpreter na makakatabi nito sa pagdinig bilang “silent participant” sakaling kinakailangan.

“We also pray that Mr/ Yang’s own interpreter be allowed by his side and be a ‘silent’ participant in the hearings in the event that the translation would require amendment or correction,” dagdag ni Fortun.

Sinabi naman ni Sotto na puwedeng magbigay ang Senado ng interpreter para kay Yang.

“Pwede kami mag-provide,” ani Sotto.

Noong Martes nag-isyu ng arrest warrant ang Senado matapos isnabin ng dalawang beses ni Yang ang imbitasyon ng Blue Ribbon Committee para dumalo sa pagdinig nito hinggil sa diumano’y overpriced na mga personal protective equipment (PPE) ng Department of Health (DOH) katulad ng face mask at face shield. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.