Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-AFP chief: China sasakupin ang `Pinas

0 262

Inilutang ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Emmanuel Bautista na posibleng sakupin tayo ng China kapag sumiklab ang giyera sa pagitan nito at ng Amerika.

Ayon sa report ng South Morning China Post, ang lokasyon ng Pilipinas na pinagdudugtong ang South China Sea at Pacific Ocean ay magiging ‘key terrain’ sakaling magkaroon ng giyera sa pagitan ng Amerika at China.

Dahil dito, malaki ang tsansa na kontrolin aniya ng China ang Pilipinas para magkaroon ng bentahan kung magkaroon ng giyera kontra Amerika.

SM food to go Banner Ad

“If you want to influence the South China Sea, you need to control these chokepoints,” sabi ni Bautista.

Ito’y kahit pa sinabi ng China na hindi ito magsisimula ng giyera sa gitna ng tumataas na tensyon kontra sa Estados Unidos.

“Territorial disputes in the Indo-Pacific are flashpoints that can spark a confrontation between the US and China,” ayon pa kay Bautista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.