Abante Tonite Interactive

Ex-Army, 3 pa timbog sa bloodless drug raid

By
2,691

Nadakip ng mga† tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang† isang dating sundalo at tatlong iba pang sinasabing mga tulak at adik† sa isinagawang buy-bust at ‘bloodlessí drug raid sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa report kay† QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo L Eleazar, nakilala ang nadakip na sina Anthonitte Gerobiese, 42-anyos, ex-Philippine Army at residente† ng No. 474, Villa Beatriz St., Brgy. Old Balara;

Federico Co, 48, ng† Brgy. Sta. Lucia; Erwin Tuazon, 38, ng† Brgy. Tatalon at Jerry Darriguez, 29, ng Panay Avenue corner Timog Avenue, pawang sa Quezon City.

Ang mga suspek ay nadakip dakong alas-10:00 ng gabi sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng† Drug Enforcement Unit (DEU) ng Batasan Police at Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region (PDEA-NCR) sa Don Fracisco St., Brgy. Old Balara, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Gen. Eleazar, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan mula mismo sa mga residente sa lugar hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot ng mga suspek kaya isinagawa ang survaillance operation.

Nang makumpirma na positibo ang reklamo ay isinagawa ang ‘bitag’ sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkaka-aresto. Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa† R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).