Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-barangay captain dinukot, tinodas

0 180

Isang dating barangay captain na napabalitang dinukot ang tinuluyang patayin ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Lanuza, Surigao del Sur, nitong Huwebes.

Sa nakalap na report kay Surigao del Sur Police Provincial Office director Col. James Goforth, bago ang pagpaslang, nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktimang si Ramir Silvano, nang dukutin ng limang armadong kalalakihan.

Binitbit umano ng mga rebelde ang biktima sa mabundok na lugar sa Barangay Sibahay at doon pinatay kung saan nakita sa bangkay nito ang tama ng bala sa leeg at tiyan.

Kinondena naman ni Goforth ang pagpaslang sa biktima na inilarawan niyang isang simpleng magsasaka na nagsilbi ding tserman ng barangay.

“We condemn the Communist Terrorist Group (CTG) for the killing of an ordinary farmer in Lanuza,” lahad ng opisyal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.