Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-bata ng politiko nilikida

0 298

PATAY agad ang dating bodyguard ng alkalde ng Aringay, La Union na si Eric O. Sibuna matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa isang motorsiklo sa Barangay San Eugenio, Aringay sa nasabing lalawigan kahapon ng madaling-araw (January 31).

Kinilala ni Aringay Police Station commander P/Maj Romel Centeno, ang lalaking biktima na si Joy Balaoro, 35, tubong Abra, naninirahan sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang pamamaril alas-2:30 ng madaling araw sa Barangay San Eugenio.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Centeno, galing umano sa isang tindahan si Balaoro sakay sa kanyang motorsiklo nang nakaantabay ang hindi pa nakikilalang suspek sa madilim na lugar at pinagbabaril ang biktima gamit caliber 5.56mm na baril na ikinasawi nito. Tumakas naman ang suspek gamit ang motorsiklo.

Apat na basyo ng bala ng kalibre ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay Centeno, si Balaoro ay dating nabilanggo sa kasong attempted murder at illegal possession of firearms noong 2019, ngunit pansamantalang nakalaya matapos sumailalim sa probation ng hukuman.

Ayon sa record, nanilbihan din umano ang biktima kay Sibuma pero sinibak sa kanyang trabaho dahil sa mga naturang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.