Abante Tonite Interactive

Ex Battalion dedma kay Ai Ai

553

Grabe ang mga basher ng Ex Battalion pagkatapos silang bitawan ng manager na si Ai Ai delas Alas. Ang dahilan ay ang sakit sa ulo at stress na dinudulot daw ng grupo.

Well, may nakausap kami sa kampo na malapit sa Ex Battalion.

Bilang respeto ay hindi na raw nila sasagutin ang mga sinasabi ng aktres. Ituturing na lang daw nila na parang nanay na nagsermon at ‘wag nang kikibo.

Wala silang balak makipagpalitan ng salita at mananahimik na lang. Ayaw na nilang pahabain pa ang isyu.

Hindi naman nila sinasabi na wala silang kasalanan. Ilang may kakilala sa grupo ang nagkwento sa amin na ganun daw talaga ang ugali nila. Hindi pa talaga nila maramdaman ang showbiz.Kung ano sila no’n na bonding lamang ang pagra-rap at pagkanta ganun pa rin sila ngayon not realizing the commitment in showbusiness.

Problema daw talaga ng Ex Batallion ang pagiging late sa mga lakad. Ganun na raw talaga sila. Pero ang hindi raw totoo ay ang paratang na may masamang bisyo ang ilan sa kanila. (Mildred Bacud)