Abante Tonite Interactive

Ex Battalion masaya sa pagbibitiw ni Ai Ai?

1,812

Kung si Ai Ai delas Alas ay nag-uumiyak habang pinapaliwanag ang dahilan kung bakit kailangan niyang bitawan ang pagma-manage sa Ex Batallion, iba naman ang reaksyon ng mga sinasabing pa­saway at unprofessional.

May mga social media post ang ExB members na kung babasahin mo, puwedeng maintriga, dahil ang dating, parang nagpapasalamat pa sila sa pangyayari. Relieved na relieved sila na para bang sila ay nakalaya. Nagpapasalamat pa sa Maykapal na sila ay on their own na.

One liner lang ang kanilang mga kuda at hanash pero ang subtexts nito, naghuhumiyaw. May something amiss nga ba sa paglalahad ng Comedy Queen? Is there more to the story lalo na nga’t ang side pa lang ni Ms. Ai Ai ang nalalaman natin? Will the ExB spill their beans soon? O after all their posts, ayos na sa kanila iyon, hindi na papatol pa sa valid points ng dati nilang manager dahil nga babae ito at matanda na at kakalimutan na nila ang kaganapan?

With this reality, ano ang mangyayari sa karera nila? Ang Ex Battalion ba ay perfect example na biglang sumikat kaya biglang lumaki agad in a major, major way ang mga ulo? Where do they go from here? As if naman I care, hamo na sila. Malalaki na sila at bulbulin. Alam na nila ang tama at mali. Ayaw sa showbiz ng mga ingrate.
‘Yun lang.
***

Jose Manalo inookray bilang hurado

Mukhang magiging kontrobersyal ang muling pagbabalik ng reality-based artista search na “StarStruck 7” lalo na nga’t kakaiba ang kanilang mga hurado.

Kung ang judges ng “Idol Philippines”, marami ang nagdabog ang bangs sa inclusion nina James Reid, Moira at Vice Ganda, ang mga @@ sa “StarStruck 7” judges, magpa-arko sa mga kilay to the 7th floor?

Ayon sa mga dalahira, sina Heart Evangelista at the Ms. Cherie Gil daw ay judges?

Bagama’t hindi major, major actress si Love Marie, hindi puwedeng i-deny na she has become the living bridge sa masa at sa alta. Maganda, matalino, visual artist fashion maven, can speak foreign languages at yes oh yes, ngayon ay governor’s wife pa.

Ibig sabihin nito, ang plano niyang to spend more time sa Sorsogon and fulfill her duties as its first lady eh on hold?

Sa isa sa pinakamahusay na aktres na si Ms. Cherie, hindi puwedeng kabugin ang filmography nito at bilang the iconic Lavinia Arguelles, may pumasa naman kaya sa kanyang pihikang panlasa? Makaka-asa ba tayo sa kanyang mga maanghang na liners at sound bites ‘pag nagko-comment na siya? May mga iiyak kaya dahil sa kanyang very presence?

Ang tiyak na magpapa-OMG sa dabarkads, how true na ang kukumpleto sa trio of judges ay si Jose Manalo? Bumagsak ba ang inyong mga panga at biglang napatili na walang sound dahil dito? Napatawa ba kayo na gagawing judge si Jose?

Dati si henyo master at entertainment guru ang turing kay Joey de Leon na laging part of the judging panel. Ngayon naman, si Manalo na. Siya na ba talaga ang hahalili sa alamat at pamana ni De Leon?

Emotionally prepared ba si Manalo sa bashing at hating kung sakaling totoo nga ang chika na hurado siya? Knowing Jose na hasang-hasa na sa “Eat Bulaga” at ang kanyang pagiging street smart at mga karanasan sa industriya, he knows a star when he sees one.

Mula “StarStruck” 1 to 6, ang naging biggest star at nga­yon ay panguna­hing Kapuso aktres ay si Jennylyn Mercado. Hindi iyan puwedeng pagtaasan ng kilay, sa true lang.

Ang mga da­ting “StarStruck” graduates na namamayagpag bilang mga Kapamilya ay sina Paulo Avelino, Ryza Cenon, Cristine Reyes, Enzo Pineda at Aljur Abrenica.

Ang pinakamalaking kontrobersya na hinarap ay si Katrina Halili, maski itanong niyo pa sa “Careless Whisper” at kay Hayden Kho Jr.

Ang tanong of national importance, ang huling grand winners ng “StarStruck”, na sina Klea Pineda, Migo Adecer, sumikat ba?

Kung hindi pa dahil sa isang aksidente, hindi magiging conscious ang balana na meron palang binata na ang ngalan ay Migo Adecer na ngayon ay hamon na hamon sa “Sahaya.”

Eh si Klea Pineda, the who na! Eh ang last first princess na si Ayra Mariano at first prince na si Elyson de Dios? Alam na alam na, the WHO times two, huh!

Kaya, good luck, good health, God bless you sa next batch na dream, believe at survive ang magi­ging mantra sa kanilang mga buhay.

Nawa’y artistahin nga talaga ang mapili at maramdaman talagang sumikat hindi lang sa Kamuning station kundi sa buong bansa.