Abante Tonite Interactive

Ex Battalion nalagasan

857

Roldan Castro

tonite-this-is-it-roldan-castroAno na kaya ang mangyayari sa Ex Battalion ngayong nagpaalam na ang isa nilang miyembro na si Mark Maglasang aka Bosx1ne? Personal problem ang itinuturo niyang dahilan sa pag-alis sa grupo.

Mapilayan kaya ang Ex Battalion? Isa pa naman si Mark sa may hitsura at may hatak sa grupo. Kung kailan namamayagpag ang grupo nila saka naman sila nabawasan.

Abante Hiring – IT dep

Habang inaayos ni Mark ang kanyang pinagdaraanan ngayon, panoorin na lang ng mga fan ang “Sons of Nanay Sabel” dahil baka matagal pa bago kumpletong mapanood ulit ang Ex Battalion.
Pak!

Surrogate mom nina Pepe, Pilar nilantad ni Mar

Kumpleto na ang pagsasama nina Mar Roxas at ang kanyang misis na si Korina Sanchez-Roxas. Nakamit na kasi ni Mar ang kanyang pangarap sa pagdating ng mga fraternal twins na sina Pepe at Pilar sa kanilang buhay. Itinuturing na niya itong birthday gift.

Isang milagro sina Pepe at Pilar para sa mag-asawa dahil ilang taon na nilang pinaplano ang kanilang “baby project.” Ngayon, tunay nilang masasabi na tala­gang ganap na ang kanilang kaligayahan.

“Akala namin hindi na mangyayari ito,” sambit ni Senatoriable Mar nang makatsikahan namin.

Ipinanganak sina Pepe at Pilar noong Pebrero 12, sa ganap na 1:00pm sa Pittsburgh, USA. Unang ipinanganak si Pepe at 5.4lbs habang ipinanganak naman si Pilar matapos ang isang oras at 4.10 lbs.

Ayon pa sa tumatakbong senador, ang surrogate mom nina Pepe at Pilar ay isang single parent, high school lang ang tinapos. Nagustuhan siya ni Senator Mar dahil nagsimula itong barista sa Starbucks, itinaguyod niya ‘yung anak niya, iniwanan siya ng boyfriend niya. Sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho, naging manager siya ng naturang coffeehouse chain.

Pumayag daw itong maging surrogate mom dahil hindi niya kayang i-provide ang pangangailangan ng anak niya na full education. Maganda raw ang motivation nito dahil hindi ito luho. Kumbaga, nakakasiguro sila na maaalagaan niya ang anak nila sa sinapupunan nito.

Anyway, kung ano raw ang lumabas sa kambal na itawag sa kanila ay ‘yun na lang daw ang gagamitin. Pero, nagpapaligsahan sila ni Korina kung sino sa kanila ang unang makikilala nina Pepe at Pilar.

“Although I’ve always loved children, there was a time I thought it wouldn’t happen anymore. Pero halos hindi ko basta-basta tinatanggap ang salitang ‘imposible.’ Duon lang tayo makakasigurado na ginawa natin ang lahat. Oo, nagdasal ako. But we did the work God blessed our efforts. Mar is inspired to lead his children to how he defines as a best life,” sabi rin ni Korina.

Nakaramdam ng magkahalong uncertainty, worry, at anxiety ang mag-asawa sa pagdating nina Pepe at Pilar sa kanilang buhay ngunit agad naman itong napalitan ng purong kaligayahan at ito na ang pinaka-fulfilling na adventure na meron sila bilang mag-asawa.

“Hindi pa kami kasal when we both decided to freeze our embryos,” sabi ni Korina. “Naghihintay lang kami ni Mar para sa perfect time to start a family.”

“Tinatanong ako kung ano ang pangarap ko para sa aming mga anak. Gusto ko silang gabayan sa isang direksyon. I want to see what they will love and be good at. So, my role really is to get them to develop to the fullest whatever potentials they show. But the most essential is to each be a good person, helpful to people, compassionate, purposeful, God-fearing, and inspiring. If you are that, you are happy. Ang kaligayahan ang depinisyon ng tagumpay,” deklara pa ni Mar.

‘Love You Two’ arangkada sa ratings

Funny at relatable na maituturing ang Kapuso romcom series na “Love You Two.” Kaya naman, hindi kagulat-gulat na nangunguna ito sa TV ratings.

Hindi maikakailang ito na ang bagong paboritong serye tuwing gabi ng Kapuso viewers dahil sa good vibes, saya at #kiligpamore na mga eksena na hatid nito sa primetime.

Kaya naman masayang-masaya ang cast at bumubuo sa production dahil sulit ang kanilang hard work every taping para mapasaya ang manunuod. Talagang nakatutok na ang buong sambayanan sa kuwento nina Raffy (Jennylyn Mercado) at Jake (Gabby Concepcion) at ang kanilang aso’t pusang mga eksena at funny dialogues.