Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Bolts import, 17 pa nanloko kinasuhan

0 70

Umabot sa 18 dating player ng NBA ang kinasuhan at inaresto sa health-care fraud na minaniobra umano ng mga ito.

Sa ulat nina Tom Winter at Jonathan Dienst ng NBC News Huwebes, inaresto ang players matapos switikin ang NBA Health and Welfare Benefit Plan ng halagang tinatayang aabot sa $4M.

Kabilang sa mga kilalang pangalan na kinasuhan sina former champions Shannon Brown (2009, 2010), Glen Davis (2008), Tonny Allen (2008), Sebastian Telfair, Darius Miles, Alan Anderson, William Bynum, Melvin Ely, Christopher Douglas-Roberts, Tony Wroten.

Binanggit ni Dienst na si Terrence Williams, first round pick ng New Jersey Nets noong 2009, ang lider. Siya ay nakatatlong laro sa Meralco Bolts sa 2014 PBA Governors’ Cup elims.

Assistant coach na sa Portland si Milt Palacio, pinag-leave agad ng Trail Blazers paglabas ng kaso.

Base sa reklamo, mula 2017 hanggang 2020 ay nagsusumite umano ang mga sangkot na players ng fake reimbursement claims para sa medical at dental services na hindi nangyari.

Nasa $2.5M ang tinanggap ng defendants mula sa $3.9M fraudulent claims. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.