Abante Tonite Interactive

Ex-Cabinet official, nanuhol ng P25M para mapalawig sa posisyon?

809

Nais daw ng isang dating Cabinet official ang manatili sa puwesto ng ilang buwan kahit nagpalit na ng administrasyon.

Tumataginting na P25 Million ang ibinigay ng Cabinet official para daw kay Pangulong Duterte upang hindi agad mapalitan sa puwesto.

Ayon sa ating mapagkakatiwalaang impormante na malapit sa Malacañang, check ng ang ibinigay sa Pangulo ng nasabing dating Cabinet official sa katatapos ng 2016 Presidential Elections sa bansa.

Pero nag isip ang Pangulo at nagduda kung bakit kailangang magbigay ng P25 M at ang hinihingi ay kahit 6 na buwan lang ang pagpalawig sa puwesto.

Dahil dito ay hindi daw ipinakumberte sa cash ang nasabing tseke na tulong pinansiya sa kampanya sa eleksiyonat magsisilbing itong ebidensiya ng Pangulo laban sa nasabing mataas na opisyal ng gobyerno.

Ngayon ay naidugtong na ng Pangulo kung bakit nagbigay ng salapi ang dating Cabinet official dahil lumilitaw na may mga anomalya sa pinanggalingang Departamento.

Nahaharap ngayon sa Kontrobersiya ang mga proyektong pinasok ng dating Cabinet official na bilyong piso ang halaga.
Ayon pa sa ating impormante ay kumukuha lang ng magandang tiyempo ang Pangulo at kaniyang isssambulat sa publiko ang nasabing pagbibigay ng P25 Million ng dating Cabinet official.

Laking pasasalamat ng Pangulo at hindi nila napalitan sa cash ang tseke at higit sa lahat ay hindi ito pumayag na mapalawig sa tungkulin ang dating Cabinet official dahil may posibilidad na lilinisin nito ang lahat ng mga ebidensiya upang makaligtas sa mga posibleng kaharaping kaso.

Abangan kung kailan pangangalanan ng Pangulo Ang dating Cabinet official na nagbigay ng P25 Million kapalitng 6 na bue Ang paglapalawig sa puwesto.

Ang dating Cabinet official ay kasalukuyang nahaharap sa eskandalo sa dating Departmento at posibleng maharap sa kasong plunder.

Clue: Ang kaniyang pangalan ay mayroong letrang G as in Gamot…