Abante Tonite Interactive

Ex-cager ‘napasubo’ sa madilim na lugar

1,140

Matagal nang hindi naglalaro ang dating propesyunal na player na paboritong lugar at trip na trip ang madidilim na lugar.

Minsan sa isang out-of-town bago isagawa ang laro ng kanyang koponan ay maaga itong nagpaalam sa ensayo.

Habang nagpapahinga sa kani-kanilang kuwarto ang mga kasamahan ay nagawa ni player na makatalilis at agad na makapunta sa paborito nitong lugar na kumukutikutitap ang mga ilaw.

Para hindi mapansin ay muli itong naghanap ng kanyang paboritong lugar na walang iba kundi ang pinakamadilim at hindi nadadaanan ng kutitap na bahagi sa pampasayang lugar.

Gayunman, hindi sinasadya na napadaan din sa nasabing lugar ang ilang mga nakakakilala kay player at namasdan ang paborito nitong ginagawa kapag nasa madilim na lugar kasama ang kanyang napiling makakausap habang nasa pinakasulok at pinakahindi pansinin na bahagi.

Nakayuko ang katabi nitong paboritong kausap sa malamig na bahagi ng lugar habang nakataas ang ulo at tila masayang nanonood si player sa mga naggagandahan na nasa ibabaw ng entablado.

Kinabukasan ay mahina ang laro ni player at hindi halos makagalaw para umiskor at maka-shoot kahit maliwanag.

Katunog ng isang dating kilalang energy drink ang palayaw ni player.