Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-call center agent nangikil sa construction company

0 46

Arestado ang isang dating call center agent matapos umanong mangikil sa isang construction supplier kapalit ng matagumpay na bid para sa isang proyekto.

Kinilala ang suspek na si Carlo Pe, 51-anyos, residente ng Mabalacat City, Pampanga.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3, ikinasa noong Hulyo 15, ang entrapment operation sa suspek sa isang fast food restaurant sa Brgy. Anunas sa Angeles City kung saan ito nahuli.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsumbong umano sa tanggapan ng CIDG ang JJJ-A Construction and Supply matapos umano silang hingian ng pera ni Pe na siyang maggagarantiya na mananalo sila sa bidding ng isang proyekto sa Clark Freeport Zone.

Naglabas na rin ng statement ang Clark Development Corporation (CDC) kung saan iniulat nila na nagpapanggap na empleyado ng CDC si Pe upang makapangikil kapalit ng proyekto sa Clark.

Nahaharap sa kasong robbery-extortion ang suspek. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.