Abante Tonite Interactive

Ex-Cavite gov kinasuhan ng perjury

532

Sinampahan ng kasong perjury sa Sandiganbayan si dating Cavite Governor Dencito Presa Campaña kaugnay sa pagkabigo nitong ideklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) noong 2007 ang kanyang nabiling sasakyan.

Isinampa ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Campaña.

Inakusahan si Campaña ng pagkabigong isapubliko ang kanyang 1999 Toyota Revo, na may license plate na WKB 720, sa kanyang 2007 SALN matapos niya itong bilhin sa nabanggit ring taon.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa Ombudsman, isang malinaw na pagsuway ang ginawa ni Campaña pagda­ting sa sworn public document kung kaya’t may pananagutan ito sa ilalim ng Section 8 of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Piyansang P6,000 ang inirekomenda ng korte kay Campaña para sa kanyang pan­samantalang paglaya.