Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Chemphil owner, 3 pa dinakma sa estafa

0 177

Ni Nancy Carvajal

Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating may-ari ng Chemical Industries of the Philippines (Chemphil) na si Antonio Garcia at tatlong iba pa dahil umano sa kasong estafa habang nasa private hangar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Sabado ng hapon.

Isinagawa ito base sa arrest order na inilabas ni Judge Zita Marie Magundayao Atienza-Fajardo ng Quezon City Regional Trial Court Branch 224 noong Hunyo 22, 2021.

Nakakuha ang online news site Bilyonaryo ng kopya ng arrest order. Subalit hindi nakasaad sa dokumento kung sino ang nagsampa ng kasong estafa laban sa grupo ni Garcia.

Bukod kay Garcia, kinilala ang mga kapwa akusado umano sa kasong estafa na sina Alexandra Garcia, Ernesto Barreiro, Grace Bagatsing, at Eduardo Lim Jr.

Hindi umano kasama si Lim sa mga inaresto dahil hindi ito kasama ng grupo nina Garcia nang damputin ang mga ito pagdating ng kanilang chartered plane sa NAIA mula sa Balesin island dakong alas-3:30 ng hapon.

Kasalukuyan na umanong nakakulong sa NBI jail ang mga inarestong akusado dahil walang inirekomendang piyansa si Judge Atienza-Fajardo.

Nabatid na ibineneta na ni Garcia ang controlling stake ng kanyang pamilya sa Chemphil sa halagang P1.04 bilyon noong 2019 sa Unioil group na pinamununuan ni Janice Co Roxas-Chua, na plano namang gamitin ang stock ng kompanya para sa backdoor listing ng kailang mga petroleum at property asset.

Dahil sa pagbenta ng kanilang controlling stake sa kompanya ay natapos na rin ang matagal nang alitan sa pagitan ni Antonio at ng kanyang kapatid na si Ramon para sa kotrol ng Chemphil na itinatag ng kanilang ama noong 1958.

Leave A Reply

Your email address will not be published.