Abante Tonite Interactive

Ex-collegiate baller nag-call boy na lang

1,082

Hindi napigilan ng isang manlalaro ang maikuwento na hindi lang pala mga Pilipinong kalalakihang ang nagtatrabaho sa labas ng bansa ang napipilitang mag-hosto o magbilad ng katawan kundi ilang mga dating manlalaro din mula sa propesyonal at collegiate na liga.

Ito ay matapos na magkita-kita ang mga magkakaibigan na da­ting magkakasama sa isang koponan sa kolehiyo at halos lahat ay nakapaglaro sa propesyonal na liga sa isang pagbibigay-pugay sa isang dati din nilang kasamahan.

Hindi makalimutan ng player ang kanilang ekspiriyensa nang magtungo sa isang malamig na bansa sa Asya kung saan naganap ang kani-kanilang mga hindi inaasahang personal na karanasan.

Dahil sa kanilang katangkaran at pagiging magagandang lalaki ay natipuhan ng hindi lamang kababaihan kundi pati na rin mga may edad o matrona at nasa pederasyon ang mga player sa pagpasok nito sa isang tambayan na mabilis na kumukutikutitap ang mga ilaw.

Hindi makalimutan ni player na mapagkamalan siya na puwedeng i-take home ng isang may edad na nakakursunada sa kanya habang nagkakasayahan ang buong grupo.

Pinatulan ni player ang nakakursunada sa kanyang matrona na inakala siya na isa sa mga call boy o hosto na siyang naging mainit na usapan sa pagkikita-kita ng mga dating magkakakampi.

Minsan pa na bumalik ang player sa nasabing bansa kung saan tuluyan na nitong pinakisamahan ang babae.