Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-colonel 1 taon kulong sa group sex

0 269

Isang taong pagkabilanggo ang inihatol ng Sandiganbayan sa dating opisyal ng Philippine Army matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong sexual harassment sa dalawang nitong staff na na inayang sumali sa group sex.

Batay sa ibinabang desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, na ang promulgasyon ay may petsang August 20, 2020, napatunayang guilty ang akusadong si dating Philippine Army Col. Jessie Mario Dosado sa three counts ng sexual harassment na inihain ng mga kasamahang sina Master Sgt. Dynne Bersonda and Sgt. Florizel Suico.

Base sa reklamo, humiling umano si Dosado kina Bersonda at Suico ng sexual favor gaya ng pagsali sa orgy nito sa isang nakilalang ‘Miss Glacy’. Inutusan din umano ng colonel ang dalawang kasamahang babae na aplayan ng lotion ang kaniyang ari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mariing itinanggi ni Dosado ang alegasyon ng mga nasabing lady officer at nakikipagsabwatan lamang umano ang mga ito sa kanyang mga kaaway pero hindi ito pinaniwalaan ng hukuman.

Base naman sa desisyon ng Sandiganbayan, “There is no evidence to show that Bersonda and Suico had any reason for fabricating charges against the accused, or any ulterior motive for filing their respective complaints, wherein they demanded that the accused be dismissed from the service.”

Bukod sa pagkabilanggo, pinagbabayad din si Dosado ng multang P60,000 at P5,000 kada count ng sexual harassment. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.