Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-colonel bossing ng mga tirador

0 192

Ni Nancy Carvajal

Masusi ngayong tinutumbok ng National Bureau of Investigation ang posibilidad na pinamumunuan ng isang retired army colonel na dati ring opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency ang gun-for-hire operation kung saan ginagamit umano nito ang kanyang mga guwardiya bilang hitman.

Tinukoy ang suspek na si retired army colonel at ex-PDEA official na si Edwin Layese, na dating namuno sa Region 6, 10 at ARMM subalit nadismis dahil na rin sa kakulangan ng Civil Service eligibility requirements noong 2012 kahit nagtapos pa sa Philippine Military Academy.

“After he was dismissed from service Layese was hired as overall security manager of a big Cebu company, where he could have meet and recruited his hitmen,” saad ng NBI source sa Politiko_Ph.

Si Layese ay positibong tinukoy ng isa sa umano’y hitman nitong si Fausto Edgar Benigno Peralta, 55, na nagsilbing “contractor’’ sa pagpaslang sa Cebu lawyer na si Joey Luis Wee noong November sa nasabing lalawigan. Dinagdag pa ni Peralta na kabilang sa kanilang `kontrata’ ang misis ni Wee subalit binawi kalaunan. Inginuso rin ng hitman si Layese na may kinalaman sa nangyaring ambus sa abogado pang si James Gupana sa Lapu-lapu City noong Oktubre subalit pinalad na makaligtas.

Nadakip si Peralta sa Cabuyao, Laguna noong December 10, 2020 ng NBI agents nang matunton ito sa pamamagitan ng cellphone number na nakarehistro sa katransaksyong car rental bago ang pagpaslang.

Sa salaysay ni Peralta sa NBI, binuking nitong hindi lang sila basta binayaran kundi “supervised, monitored and provided transport ‘’ pa sila ng kanyang mga tauhan ni Layese sa dalawang insidente ng pagpaslang.

“Also noteworthy was Layese was able to obtain travel and quarantine protocol documents for the suspects in the middle of the pandemic,’’ saad ng imbestigador.

“Like in the movies, the gunmen were housed in a hotel and firearms were provided by local contacts, which showed the group is organized,’’ dugtong pa nito.

Sa report ng NBI –Region 7 kay Director Officer in charge Eric Distor, may limang bahay na pag-aari sa iba’t ibang lugar si Layese ngunit isa sa mga ito na sinasabing nasa South of Cebu ay di pa natutunton.

Si Layese ay nadakip sa parking lot ng Cebu City hospital noong January 12. Nakumpiskahan ito ng NBI ng .40 caliber revolver na paso na ang rehistro noon pang 2004 at nakapangalan sa isang taga-Jaro, Iloilo City.

Kabilang din sa grupo ng nasabing gun for hire sina John Raymond Suarez at Randy Palparan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.